Ang Malaking Inihaw (The Big Grill)
Nais kong ibahagi ang masasayang pangyayari noong kami ay nagkita-kita sa Ang Malaking Inihaw (The Big Grill) . Kagabi ay nagkasiyahan kami kasama ang mga kaklase ko mula sa mataas na paaralan ng Kolehiyo ng Chiang Kai Shek (Chiang Kai Shek College).
Kasama rin namin ang hindi inaasahang mga kaibigan ni Janice (Ja) mula sa Universidad ng De La Salle (De La Salle University) at kaibigan o sabihin na nating isa sa mga masugid na manliligaw ni Jane. 'di ito inaasahan sapagka't lahat ng mga ito ay 'di pinagplanuhan, basta na lamang nagkayayaan, nagkasama-sama na tila matagal ng magkakakilala at matalik ng magkakaibigan.Tatlong taong nakilala ko sa loob ng isang gabi (haha! pangit):
1. J - 'di umiinom ng alak, pero game sa wacky shot.
2. Mito - matindi sa wacky shot, kahit normal pose itsura ay wacky na.
3. Marvs - huling dumating sa lakad (palagi daw nahuhuli (late).. VIP? Hehe! Peace!).
Nakatulong din siguro ang pagkuwento ni Ja sa mga kaklase niya sa kolehiyo kung kaya't ganito na lamang minamaltrato kaming mga hampas lupang hayskul barkada, na gayon din naman kami sa kanila, hahahahaha! Syempre 'di papatalo si Bully Queen (Baby). :) Peace!
Kakaibang gabi na naman ang naganap kasama ang hayskul barkada, iba't ibang pagtatagpo, iba't ibang klaseng tao, linggu-linggong walang humpay na tawanan at walang sawaang pagkuha ng litrato. Sa uulitin mga luma at bago kong kaibigan.

Comments